hahaha! angsaya ng araw na 'to!!! sinelebrate kasi ni
john yu ang kanyang 15th birthday! hehehe! happy birthday! anyways, plano naming mag party. napag-isipan namin na, why not mag swimming nalang kami! pwede narin yung i-consider as practice sa waterpolo! so nagplano kami at ang binagsakan namin venue ay ang clubhouse ng meadowood! nung una nga, di pa namin alam na may pool pala sa meadowood at kung meron man, baka maliit, so nabahala talaga kami. mga 6 ng umaga kanina, gumising na ako para mag-prepare kasi 7:30 daw kami magkikita dun sa may sakayan ng tricycle sa meadowood at susunduin nalang kami dun nina
kebs cab at
ting. pagdating ko dun, si
andre palang yung nakita ko at saktong 7:30 na yun! mga onting sandali, dumating na si
rowen at umupo kami sa upuan para mag-antay. mga 8 na nung nainip na kami sa kakaintay so nag-tericycle na kami papuntang bahay nina kebs. pagdating namin dun, sinabihan kami na nasa clubhouse na si kebs! woah! iwanan ba naman kami! so naglakad kami papuntang clubhouse at pagdating namin dun, andun na sina keb ting, keb cab, na nagsiswimming na! adik! nag-antay kami ng matagal tapos wala palang susundo samin! andun na rin si
josh at nagbihis na kami para magswimming. nag-enjoy naman kami kasi first time naming lahat na magswimming kasama ang isa't-isa sa pool na hindi pag-aari ng seton. di nagtagal, dumating si
kat pero di muna siya nagswimming kasi wierd nga naman na lumangoy siya na isang babae kasama kaming limang mga "hot" men sa pool, so umupo nalang muna siya sa gilid. a few moments later, may mga dumating na third year at kasama na nila ang birthday boy na si john yu! ayos! kumpleto na ang tropa! si
patricia din nga pala nagswimming. andami naming linaro tulad ng chicken fight(minsan, ako yung nasa taas! astig...), touch-ball, monkey-in-the-middle tsaka nag exibition din kami ng mga dives! ansaya nga nun e! meron pa kong naimbenton "victory dive". sa mga nakakaalam kung ano yun, hehehe! nung umahon na kami, naisipan naming pumunta sa SM kaya lang, may problem, nawawala si andre! akala nga namin, kinidnap na kasi may nakaaway yung epal na bata tapos inisip namin na gumanti! hehehe... yun pala, bumili lang nmg load. tsk, tsk, tsk... e bakit kaya hindi nalang siya sa SM bumili ng load noh? imbis na nag-aksayta pa kami ng oras na mag-antay sa kanya. sa SM, ako si john yu, andre, rowen at
christian relis ay gustong kumain sa pizza hut kaya lang, gusto ni john yu na gamitin yung palm card niya so nag-take out nalang kami at kumain sa food court. pagtapos nun, nag-arcade kami at nagpaka-adik sa time crisis, racing at star wars. naghanap din kami ng bago kong bling at bumili si rowen ng wallet. pagtapos nun, umuwi na sina rowen, andre at christian pero nagkita naman kami nina kenneth, at kebs, kaya lang di rin masyadong nagtagal si
kenneth. wala na kaming magawa so naisipan naming mag netopia. naglaro kami ng o2 jam at gunbound! ansaya nga ng gunbound e! we lured unsuspectiong victims into our trap and totally owned them! hahaha! for the first time, nakapaglaro ako ng dotA, at masasabi kong napakasaya niya. naaliw nga ako e! hahaha! nung naubos yung time namin, uwian na!!!
Saturday, January 06, 2007
happy b-day Patricia!!!
actually, nung january 2 pa talaga ang birthday ang birthday ni
patricia pero ngayon lang siya nag-celebrate. sabi niya, 11 daw niya ako susunduin sa pillar, at since magci-clinic din naman ang dad ko dun ng 10:30, sumabay na ako sa kanya. nag-antay ako sa receptionst area kasi walang signal sa clinic ng dad ko. nag-antay ako ng nag-antay at pagtingin ko, 12 na!!! waaa!!! kala ko naiwan na ako e tapos dumating sila. hu! ayos! sa kotse nila, andaming tao! siksikan! dun ako umupo sa harap, katabi ni
benedick. sina,
patricia, john yu, rowen, some
unknown person tsaka yung
kapatid ni patricia(na kandong niya), nasa likod namin. sina
paola,
renn, isa pang kapatid ni patricia, at
mark, nasa likod. so, siksikan talaga kami. pagdating namin, humiwalay muna kami ni, rowen, john yu, at
kenneth(na bigla na lang sumulpot out of nowhere)para bumili ng CARDS at yung regalo ni patricia. pagbalik namin... nasa teriyaki boy na sila. kumain kami dun ng super dame!! sakit nga ng tiyan ko pagtapos e! sa kalagitnaan, nagpaalam na sina rowen, john yu, at kenneth kasi pupunta daw silang ATC para bumili ng more CARDS. pagtapos naminh kumain, pumunta kami ng X-cite at nagpaka-adik sa mga games and stuff! saya nga maglaro nung may sword-sword na game e!! hahaha! tsaka house of the dead! adik, pang-ubos ng coins yun! tsaka yung arm-wrestling na game! no match yung robot sa combined forces namin ni benz! sumakay din kami sa bumpcar, roller coaster tsaka racing. badtrip nga yung kotse ko sa racing e, angkupad! masaya naman magbumpcar kasi "i totally owned them!" hahaha! hari ako ng bumpcar arena! yung roller coaster, astig pa rin, andun ako nakaupo sa pinaka likod katabi ni paola so na-experience namin yung pinaka malakas na efects nung ride! hehehe... pagtapos magX-cite, pumunta na kaming cinehan para manood. umalis na si
alyanna nun, kasi 5:30 na... nagdebate pa kami kung ano yung papanuorin, yung iba, gusto mano po 5, shake rattle and roll, tsaka zsa zsa zaturnahh. gusto ko super noypi e. in the end, natambak kami sa shake rattle and roll. noo!!! napanuod ko na. pareho kami ni poala. siya nga 3rd time na e. sa sinehan, biglang nawala sina patricia at benedick! san kaya sila pumunta? hmmm... hehehe. at yun, si renn lang ang natakot samen. as-in super takot! yung tipong mapapa-ihi na sa takot! si mark may onting gulat moments pa. kalagitnaan ng movie, biglang tumawag sakin si rowen. stuck daw sila ni john yu sa ATC kasi si kenneth, yung kanilang transpo, ay umalis! hahaha!!! kasi... pahiwalay-hiwalay pa e... tsk, tsk, tsk.. umuwina sina mark at benz sa kalagitnaan ng show. super gabi na kaming nakatapos sa cinehan.nung pumunta kaming ATC para sunduin sina rowen at john yu, naisipan pa naming magstarbucks! so yun, umorder kami ng mga frap, ad we're out! along the way, napansin namin na ang dinadaanan namion ay ibang road. bigla kaming lumabas sa bacoor at lumiko papuntang binakayan! waa!!! taga imus ako! pano ako uuwi ng 10 na ng gabi!!! nakababa na si rowen. si paola nakababa na rin! namomroblema na kami ni john yu kasi sa camella siya. luckily, we were informed na ihahatid pala kami! hu! grabe nawala talaga ang mga sikip sa dibdib namin! at poof! nakauwi na nga ako!!! yeba! best gala ever!!
-----------eto ang onti sa mga pictures mula sa aming astig na gala!!!
---

---
---

---
---

---
---

---
---

---
---

---
DESTROY yourself at 10:49 PM
Monday, January 01, 2007
Happy New Year!!!
hey guyz! bagong taon nanaman! sana ay maging masaya ngayong 2007!!! masaya kong na-celebrate ang aking new year!!! hahaha! as usual, sa cavite city namin cinelebrate ang new year kasi dun kami nagkikita ng pamilya ko. pagdating namin dun, marami nang mga paputok at maingay na so ramdam mo na talaga ang pagdating ng bagong taon. andun na rin yung iba kong mga tita na galing pa sa ibang bansa. yehey! andaming pasalubong! hahaha! andami ring pagkain! badtrip nga e. dumadame nanaman yung kinakain ko! hahaha!!! nung malapit nang mag-12, todo party na!!! anlalakas na talga ng mga paputok tsaka mga music! andami na ring sumasayaw and stuff. tapos, HAPPY NEW YEAR! haha! kaya lang, umuwi kami nung mga 1 na kasi sa bahay kami matutulog. kinabuakasan, nagtagto nanaman ng pera dad ko sa buong bahay tapos kelangan naming hanapin. isang beses, tinignan ko yug mail box namin kung may laman. pagtingin ko, waa!!! putakte! nakagat ako, 3 beses, ansakit kamo!!! ngayon nga meron pa rin, pero di na ganun kasakit. sa loob pa nga ng tenga yung isa e... ouch! anyways, nasa cavite city nanaman ako ngayon, at nagsasaya... kitakitz na lang tayo sa pasukan mga kaklase! excited na ko!
DESTROY yourself at 2:19 PM